Pangulong Marcos Jr., itinalaga sa PCGG si Rogelio Quevedo

PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OFFICE FACEBOOK POST

Itinalaga ang abogadong si Rogelio Quevedo bilang bagong commissioner ng Presidential Commission on Good Government (PCGG),

Ang pagtatalaga kay Quevedo ay inanunsiyo sa Facebook page ng Presidential Communications Office. (PCO).

Bago sa kanyang bagong posisyon, nagsilbi si Quevedo na  government corporate counsel para mabantayan ang mga legal na interes sa government-owned or -controlled corporations (GOCCs).

Nasa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Justice’s (DOJ) ang PCGG, na itinuturing na anti-corruption agency.

Mandato nito na imbestigahan ang mga kaso ng katiwalian at korapsyon ng mga pampublikong opisyal.

 

Read more...