Pangulong Marcos Jr., itinalaga sa PCGG si Rogelio Quevedo
Itinalaga ang abogadong si Rogelio Quevedo bilang bagong commissioner ng Presidential Commission on Good Government (PCGG),
Ang pagtatalaga kay Quevedo ay inanunsiyo sa Facebook page ng Presidential Communications Office. (PCO).
Bago sa kanyang bagong posisyon, nagsilbi si Quevedo na government corporate counsel para mabantayan ang mga legal na interes sa government-owned or -controlled corporations (GOCCs).
Nasa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Justice’s (DOJ) ang PCGG, na itinuturing na anti-corruption agency.
Mandato nito na imbestigahan ang mga kaso ng katiwalian at korapsyon ng mga pampublikong opisyal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.