80 probinsiya mararamdaman ang epekto ng El Niño

February 28, 2024 - 09:59 PM

INQUIRER PHOTO

Nagbabala ang Task Force El Niño na posibleng dalawa lamang sa 80 lalawigan sa bansa ang hindi lubhang maapektuhan ang epekto ng El Niño.

Hanggang noong nakaraang araw ng Linggo, Pebrero 25, umakyat na sa 51 mula sa 41 ang bilang ng mga lalawigan na apektado na ng El Niño.

“Tataas pa iyan to 73 and then aabot ng 80 bago bumaba ulit sa 50 plus. So, sinabi natin na ang  effects ng strong and mature El Niño ay magpe-persist  until May to June, so tingnan natin kung ano po ‘yung puwede pang gawin,” sabi ni  Communications Asec. Joey Villarama.

Si Villarama ang nagsisilbing tagapagsalita ng Task Force El Niño.

“Pero sa ngayon po ay sapat po ang paghahanda ng mga ahensiya upang ma-avert at maabatan po iyong posibleng magiging epekto sa water resources, sa food supply, pati na rin po sa enerhiya at saka sa kalusugan,” dagdag ng opisyal.

Dalawamput apat na lalawigan at ang Metro Manila ay maaring makaranas ng tagtuyot hanggang sa katapusan ng Marso.

Ito ang mga lalawigan ng Abra, Apayo, Aurora, Bataan, Benguet, Cagayan, Cavite, Ifugao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Isabela, Kalinga, La Union, Mountain Province, Negros Occidental, Negros Oriental, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Occidental Mindoro, Palawan, Pangasinan, Quirino, Rizal, at Zambales.

Nabanggiy din ng opisyal na umaabot na sa halos 6,600 ektarya ng taniman ang napinsala na ng El Niño.

 

TAGS: El Niño, tagtuyot, El Niño, tagtuyot

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.