44% ng mga Pinoy sinabing walang magbabago sa ekonomiya

INQUIRER PHOTO

Hindi inaasahan ng 44 porsiyento ng mga Filipino na may magbabaga sa lagay ng ekonomiya ng bansa ngayon 2024.

Base sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey, 40 porsiyento ang naniniwala na may positibong mangyayari sa ekonomiya, 10 ang nagsabi na lalala pa ito at may limang porsiyento na hindi nagbigay ng sagot.

Ayon sa SWS, +30 ang positibo sa ekoniomiya  at ito ay “very high.”

“It has been at very high levels since March 2023, following a decline from the excellent levels from December 2021 to December 2022,” base sa ulat ng SWS.

Nabatid na may 1,200 respondents sa  Fourth Quarter 2023 SWS Survey.

 

Read more...