PBBM pipirma ng tatlong kasunduan sa pagbisita sa Australia

By Jan Escosio February 28, 2024 - 09:34 PM

PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OFFICE PHOTO

Nasa Australia na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., base sa imbitasyon sa kanya ni Australian Governor-General David Hurley.

Nabatid na haharap si Marcos sa Australian Parliament at inaasahan na magbibigay ng mensahe.

May tatlong kasunduan na pipirmahan si Marcos para sa pagpapabuti pa ng relasyon ng dalawang bansa.

Kumpiyansa ang Punong Ehekutibo na pagbalik niya ng Pilipinas bukas at babaunin niya ang mas matatag na relasyon sa Australia.

Sa Marso 4 ay babalik sa Australia si Marcos para naman dumalo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) – Australia Special Summit.

Tinatayang may 408,000 Filipino at Filipino-Australian sa nabanggit na bansa.

 

TAGS: Australia, stronger together, Australia, stronger together

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.