Pangulong Marcos Jr., pinayuhan si Pastor Quiboloy na sagutin ang mga alegasyo

By Jan Escosio February 28, 2024 - 09:01 PM

FILE PHOTO

Hinimok ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na harapin ang mga alegasyon sa kanya.

Nakatanggap na ng subpoena mula sa Senado si Quiboloy para personal na sagutin sa Committee on Women ang mga reklamo laban sa kanya ng ibat-ibang uri ng pang-aabuso.

“I would just advise him that just kung mayroon naman siyang sasabihin,  if— he has an opportunity in the hearings both in the House and in the Senate to say his side of the story. Kaya po sinasabi niya, hindi totoo lahat ‘yan, hindi totoo, walang nangyaring ganiyan, ‘di sabihin niya,” sabi ni Marcos bago ang kanyang biyahe patungo sa Australia.

Dagdag payo pa ng Punong Ehekutibo sa nagtatag ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na samantalahin ang pagkakataon na ibinigay ng Senado at Kamara para depensahan ang sarili at makapagpaliwanag.

“Kung makapunta siya, sagutin niya lahat ng tanong, ‘di tapos na. That’s why my advice for him is to just face the questioning in the House and in the Senate. Marinig natin ang kaniyang side para malaman natin kung ano ba talagang nangyayari dito,” dagdag pa ni Marcos.

 

 

TAGS: Apollo Quiboloy, subpoena, Apollo Quiboloy, subpoena

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.