Mga magulang ni Jemboy Baltazar dismayado sa hatol sa 6 pulis-Navotas

By Jan Escosio February 28, 2024 - 03:26 PM

Si Sen. Risa Hontiveros kasama sina Jessie at Roda Baltazar, mga magulang ni Jemboy Baltazar. (JAN ESCOSIO)

Itutuloy ng mag-asawang Jessi at Roda Baltazar ang laban para makamit ang tunay na hustisya para sa kanilang napatay na anak na si Jemboy.

Iniharap sa mga mamamahayag ni Sen. Risa Hontiveros ang mag-asawang Baltazar isang araw matapos hatulad ang anim na pulis-Navotas na nilitis dahil sa pagkakapatay kay Jemboy noong nakaraang taon.

Hindi napigilan ng mag-asawa na maiyak dahil sa kanilang palagay ay hindi pumabor at hindi naganap ang hustisya para sa kanila.

“Parang pinatay po nila uli anak ko sa naging desisyon. Sobrang sakit ganun lang magiging desisyon. Apat na buwan lang makukulong ganun lang po pala talaga buhay ng tao,” ang tangis ng ina ni Jemboy.

“Masakit po ganun-ganun lang hatol sa kanila. Hindi katanggap-tanggap yun sa amin na pamilya,” sabi naman ni Mang Jessie.

Ayon kay Hontiveros gagawin nila ang lahat at ikinalugod na nito ang pahayag ng Department of Justice (DOJ) ang kikilos din para sa ganap na hustisya sa pagkakapatay kay Jemboy.

Sa anim na pulis na kinasuhan, isa lamang ang napatunayan na “guilty” at nahatulan na makulong ng apat hanggang anim na taon, samantalang apat sa mga pulis ang nakalaya dahil sa kasong illegal discharge of firearm at may isa na napawalang sala dahil sa kakulangan ng konkretong ebidensiya at testimoniya.

 

TAGS: conviction, DOJ, conviction, DOJ

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.