LTO kumilos sa panawagan sa disiplina sa kalsada ni PBBM

By Jan Escosio February 27, 2024 - 09:27 PM

Magpapakalat ang LTO ng traffic enforcers para sa nais ni Pangulong Marcos Jr., na disiplina sa kalsada. (INQUIRER PHOTO)

Magpapakalat at palalakasin ng Land Transportation Office (LTO) ang presensiya ng kanilang traffic enforcers sa mga lansangan kasunod ng panawagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na disiplina sa mga motorista.

Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza II, mahigpit na ipapatupad ng kanilang enforcers ang mga batas ukol sa mga binanggit ni Marcos, tulad ng tamang sakayan at babaan ng mga pasahero, sa paggamit ng bicycle lanes at iba pang mga batas-trapiko.

“Patuloy tayong makikipag-ugnayan sa ating mga LGUs, MMD,  at sa Philippine National Police (PNP) upang tiyakin ang disiplina sa daan dahil ito naman ay para sa kaligtasan ng lahat,” ani Mendoza.

Nanawagan din siya sa mga namumuno sa ibat-ibang transport groups na paalahanan ang kanilang mga miyembro na sumunod sa mga batas-trapiko.

“Hindi puwede na ang mga pasahero ang masusunod kung saan sila bababa at sasakay. Bilang mga tsuper, makakatulong din tayo sa panawagan ng ating Pangulo na magkaroon ng disiplina ang lahat ng road users,” dagdag pa ni Mendoza.

Unang nanawagan si Marcos ng disiplina sa kalsada para sa kaligtasan ng lahat alinsunod sa “Bagong Pilipinas.”

 

TAGS: batas trapiko, disiplina, batas trapiko, disiplina

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.