Mga kumpanya ng langis, may rollback sa produktong petrolyo bukas
Magpapatupad bukas ng kaltas sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis bukas, July 4, 2016.
Ang kaltas ay ipatutupad lamang sa presyo ng gasolina at kerosene habang posibleng wala namang paggalaw sa presyo ng diesel.
Nasa pagitan ng 50 hanggang 60 centavos ang mababawas sa presyo ng kada litro ng gasolina at 10 hanggang 20 centavos naman ang mababawas sa presyo ng kada litro ng kerosene.
Noong nakaraang linggo ay nagpatupad ng dagdag sa presyo ng mga produktong langis ang mga kumpanya ng langis.
Epektibo noong June 28, dagdag na 65 centvaos ang itinaas sa kada litro ng gasolina, 40 centavos sa kada litro ng diesel at 35 centavos sa kada litro ng kerosene.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.