Pro-environment group nabahala sa injectable skin-whitening products sa online stores
Ikinababahala ng EcoWaste Coalition ang pagbebenta ng mga injectable skin-lightening products sa online shopping sites.
Sinabi ni EcoWaste Coalition’s national coordinator Aileen Lucero lubhang nakakadismaya ang bentahan ng illegal gluta-IV drips maging ng mga contraband cosmetics.
“We question the unchecked sale of clearly unapproved gluta-IV drips that flood online shopping sites as if these products have undergone assessment for quality and safety,” sabi ni Lucero sa inilabas na pahayag ng EcoWaste.
Nag-ugat ang pahayag ng grupo sa kontrobersiyal na pagsasailalim ng intravenous (IV) drip session sa Senado ni Mariel Rodrigue-Padilla, maybahay ni Sen. Robinhood Padilla.
Inulan ng mga puna at batikos ng netizens ang mag-asawang Padilla.
Inihayag ng Department of Health (DOH) na walang sapat na ebidensiya na ang injectable glutathione ay nakakapagpaputi ng balat ng tao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.