P0.70/L bawas sa gasolina, P0.95/L sa diesel epektibo bukas

FILE PHOTO

Tapyas sa presyo ng mga produktong-petrolyo ang ipapatupad ng mga kompaniya ng langis simula bukas, Pebrero 27.

Sa magkakahiwalay na anunsiyo, P0.70 ang mababawas sa halaga ng kada litro ng gasolina, P0.95 naman sa diesel o krudo at P1.10 sa kerosene.

Ayon sa  Department of Energy-Oil Industry Management Bureau ang pagbaba ng presyo ay dahil sa alahanin sa pandaigdigang pangangailangan.

Ngayon taon, tumaas na ng P6.15 ang kada litro ng gasolina, P5.40 sa diesel at P1.50 sa kerosene.

 

 

Read more...