Pinaboran ng 23 senador sa ikatlo at pinal na pagbasa ang Senate Bill Number 2492 o ang Philippine Maritime Zones Act.
Sinabi ni Sen. Francis Tolentino, chairman ng Special Committee on Maritime and Admiralty Zones at ang sponsor ng panukalang-batas, ito ay pagtalima ng bansa sa United Nation Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Sa ilalim ng panukala, maidedeklara ang karapatan ng Pilipinas sa maritime zones, kabilang ang “underwater features” ng mga karagatang sakop ng teritoryo ng bansa.
Idinagdag pa ni Tolentino na palalakasin ng panukalang-batas ang pag-angkin ng Pilipinas sa mga pinag-aagawang bahagi ng West Philippine Sea maging ang pag-angkin sa Sabah, na ikinukunsiderang teritoryo ng Malaysia.
“It will show our compliance with the law of the sea, arbitral ruling, maritime law. Kung ipapasa natin itong maritime zones law nagpapatunay ito na meron tayong karapatan sa karagatang yun.” aniya.
Binanggit din ni Tolentino na sa kanyang paniniwala, maraming bansa ang sumusuporta sa panukala para sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.