194,000 lolo at lola makikinabang sa “Revilla Law”
Ibinahagi ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., na humigit-kumulang 194,000 na mga lolo at lola sa bansa ang makikinabang sa paglagda ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa inamyendahang probisyon ng Centenarians Act of 2016.
Sa batas, tatanggap na rin ng tig-P10,000 ang mga aabot sa edad 80, 85, 90 at 95, samantalang mananatiling P100,000 ang ibibigay sa magdidiwang ng kanilang ika-100 kaarawan.
Sinabi ni Revilla, ang pangunahing may-akda ng batas, sa ngayon may mahigit 103,000 ang nasa edad 80, 57,000 naman ang 85-anyos, mahigit 24,000 ang nasa 90 anyos at 2,500 ang nakapagselebra na ng kanilang sentenaryo.
Nilinaw na lamang din ng senador na maaring sa susunod na taon na matatanggap ang P10,000 cash gift dahil ang kakailanganin na pondo na P2.2 bilyon ay hindi naisama sa 2024 national budget.
Aniya kailangan lamang na magpalista sa kanilang Office of Senior Citizen Affairs (OSCA) ang mga nasa nabanggit na edad para sa dagdag benepisyo.
Lubos-lubos ang pasasala,mat ng senador sa Punong Ehekutibo sa pagpirma sa tinaguriang “Revilla Law.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.