U.S. Embassy, sarado ngayong araw, pero bantay-sarado ng mga pulis
Bantay-sarado ng mga anti-riot pulis ang U.S. Embassy sa Roxas Boulevard sa lungsod ng Maynila.
Ito ay sa kabila na walang pasok ngayon sa Embahada dahil ipinadiriwang ng Amerika ang 240th Anniversary ng U.S. Independence.
Sa naunang abiso ng Embahada, sarado sila ngayong araw at hindi muna tatanggap ng transaksyon, pero balik-trabaho na muli bukas, July 5.
Bago pa magliwanag kanina, nakabantay na sa Embahada ang mga anti-riot police para hadlangan ang posibleng pagkilos ng ilang militanteng grupo.
Ayon sa mga otoridad, may natanggap silang impormasyon na may isang grupo na lulusob sa Embahada at magbabato ng pintura sa logo ng U.S. Embassy.
Bantay-sarado ng mga pulis ang U.S Embassy kahit walang transaksyon ngayong araw | @jongmanlapaz pic.twitter.com/nB9ldESxhY
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) July 3, 2016
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.