Pangulong Marcos Jr., nagtalaga ng bagong LWUA chief

LWUA FACEBOOK PHOTO

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang abogadong si  Jose Moises Salonga bilang bagong administrador ng Local Water Utilities Administration (LWUA).

Naging epektibo noong Pebrero 19 ang pagpalit ni Salonga kay Homer Revil.

Nagsilbi na si Salonga sa PNP-Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force , National Power Corp., Land Bank of the Philippines (LBP), First Farmers’ Rural Bank of Batangas Inc., Philippine Associated Smelting and Refining Corp., Office of the Executive Secretary, at PNOC-Renewable Corp.

Nagtrabaho naman siya sa First Cabanatuan Renewable Ventures Inc., Emergence Management and Consulting Corp., at sa lokal na pamahalaan ng  local government of Quezon City.

Nagtapos siya ng kursong Economics noong 1999 at  law degree 2003 parehong sa Ateneo de Manila University.

Noong 2017 naman ay natapos niya ang  Master in Public Safety Administration sa Philippine Public Safety College.

 

Read more...