Malalaswang videos nai-post sa PAO Facebook account
Ang isa sa mga social media accounts ng Public Attorney’s Office (PAO) ang huling government online account na napasok ng “hacker.”
Sa kanyang Facebook account, inanunsiyo ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta ang pagkaka-hacked sa Dear PAO Facebook account.
Sinabi ni Acosta na may mga nai-post ng mga malalaswang videos sa naturang social media account.
“Please help us mass report this hacked page of Dear PAO showing nudity and sexual videos,” pakiusap niya sa publiko.
Nabatid na sa naturang Faecbook account naipo-post ang arawang kolum ng PAO sa isang pahayagan.
Paulit-ulit na aniya siya na nagbabala sa publiko ukol sa mga pekeng social media accounts na iniuugnay sa kanya at sa PAO.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.