Sen. Nancy Binay target ang Makati local post

By Jan Escosio February 26, 2024 - 09:55 AM

Magtatapos ang termino ni Sen. Nancy Binay sa susunod na taon. (SENATE PRIB PHOTO)

Aminado si Senator Nancy Binay na may interes siyang sumabak sa lokal na eleksyon sa Makati City sa susunod na taon.

Pagbabahagi ni Binay 50 porsiyento na ang kanyang pagkunsidera at aniya huling termino na ng kanyang kapatid na si Mayor Abby Binay.

Hindi din siya maaring tumakbo sa Taguig City dahil residente siya ng District 1 at ang malaking bahagi ng Makati City na nalipat sa hurisdiksyon ng Taguig City ay nasa District 2 kung saan naman residente ang kanyang kapatid na alkalde.

Binanggit din nito na malabo siyang tumakbo din sa pagka-kongresista dahil nakadalawang termino na siya bilang mambabatas sa Senado.

Hindi naman binanggit ni Binay ang posisyon na tinatarget niyang takbuhan sa 2025 midterm elections.

Magtatapos ang kanyang termino bilang senadora sa susunod na taon.

TAGS: makati city, Nancy Binay, makati city, Nancy Binay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.