Dalawang cruise ships dumaong sa Manila – PPA

Ang pagdating ng cruise ship Westerdam sa Manila South Harbor. (PHILIPPINE PORTS AUTHORITY PHOTO)

Inanunsiyo ng Philippine Ports Authority (PPA) ang pagdaong sa Manila South Harbor ngayon umaga.

Sinabi ni Eunice Samonte, ang tagapagsalita ng PPA, ala-6:11 nang dumaong sa Pier 15 ang NCL Norwegian Jewel, na may 2,376 pasahero.

Umalis aniya kagabi ang naturang  cruise shop sa Boracay Island at ito ay magtutungo naman sa Currimao matapos ang maghapon na pamamasyal sa Metro Manila ng mga pasahero.

Samantala, alas-7:30 naman ng dumaong sa Pier 15 din ang cruise ship Westerdam.

Nagmula naman ito sa Taiwan at may sakay na 1,970 pasahero.

Ayon kay Samonte, may 50 tourist bus ang nag-aabang sa mga turisra mula sa dalawang cruise ships na nais pumasyal sa ilang lugar sa Metro Manila.

 

Read more...