Kapit sa Palasyo ng Grab ikinababahala na gamitin sa motorcycle taxi’s pilot study

By Jan Escosio February 24, 2024 - 11:59 AM

FILE PHOTO

Nakaharap ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Malakanyang, ilang opisyal ng Grab Philippines.

Ito ngayon ang ikinababahala ng Convenor ng National Union of Food Delivery Drivers na si John Jay Chan na magamit ng Grab Philippines ang koneksyon kay Marcos Jr. para mabigyan ng regulatory approval sa pagtanggap ng GrabBikes.

Ani Chan nag-ugat ang kanilang pagkabahala sa retrato sa social media post ni Grab Phils. Chief Operating Officer Ronald Roda sa Malakanyang  na kasama ang Punong Ehekutibo.

Maari itong magbigay ng impresyon, ayon kay Chan, ma may kapit sa Palasyo si Roda.

Bago pa ito, inanunsiyo ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Teofilo Guadiz na hindi kasama ang motorcycle taxi ng Grab sa pilot study dahil sa kakulangan ng  authorization for participation para sa pilot study sa motorcycle taxis.

Pero hindi ito pinansin ni Roda at sa halip ay lumabas ang kanyang retrato sa Malakanyang na may “cryptic post.”

 

TAGS: Grab, Motorcycle Taxis, Grab, Motorcycle Taxis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.