Palasyo sinabing inaaral pa ni PBBM ang Philhealth premium hike

By Jan Escosio February 23, 2024 - 05:42 PM

FILE PHOTO

Walang desisyon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ukol sa limang porsiyentong pagtaas sa kontribusyon sa Philippine Health Insurance Corp.’s (PhilHealth).

Naglabas ng pahayag ang Malakanyang, ayon kay Communications Sec. Cheloy Garafil, matapos sabihin ni Philhealth chief Emmanuel Ledesma na hindi tumutol ang Palasyon sa pagtaas ng kontribusyon.

Ayon pa kay Garafil, nais lang ni Marcos na matiyak na mabebenepisyuhan ng  pagtaas sa premium rates ang mga miyembro.

“The review is still ongoing. The President wants to ensure that any increase in premium will substantially be much more in value in terms of benefits and coverage to PhilHealth members,” ayon pa kay Garafil.

Ang pagtaas sa limang porsiyento ay alinsunod lamang sa nakasaad sa Universal Health Care Law.

 

TAGS: contribution, philhealth, contribution, philhealth

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.