Mga residente ng landslide-hit barangays sa Maco hindi na makakauwi

By Jan Escosio February 23, 2024 - 05:31 PM

DAVAO DE ORO PHOTO

Nagdesisyon ang pamahalaang-panglalawigan ng Davao de Oro na hindi pabalikin  ang mga residente ng dalawang barangay sa bayan ng Maco dahil sa  landslides.

Magugunita na gabi ng Pebrero 6 nang maganap ang pagguho ng tone-toneladang lupa sa Barangay Masara. Lumikas din ang mga residente ng katabing Barangay Mainit dahil sa banta din ng landslides.

Dahil sa trahedya, inanunsiyo ni Gov. Dorothy Gonzaga na istriktong ipapatupad ang “no-build zone” sa Barangay Masara maging sa iba pang lugar sa kanilang lalawigan.

Noong 2008, idineklara na ng Mines and Geosciences Bureau na “no-build zone” ang Barangay Masara matapos na rin  ang malawakang pagguho ng lupa na ikinasawi ng 24 katao.

Sa trahedya sa Barangay Masara may dawalang linggo na ang nakakalipas, halos 100 katao ang nasawi at walo pa ang nawawala.

Nagdesisyon na ang awtoridad na itigil na ang “search and retrieval operations” dahil ilang araw ng walang nakukuhang bangkay.

 

TAGS: Davao de Oro, landslide, Davao de Oro, landslide

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.