Gilas Pilipinas panalo sa Hong Kong, 94-64

By Jan Escosio February 22, 2024 - 10:33 PM

FIBA PHOTO

Umarangkada ng husto ang Gilas Pilipinas sa ikatlong yugto ng laban kontra Hong Kong para maitakas ang unang panalo, 94-64, sa Fiba Asia Cup 2025 sa Tsue Wan Stadium.

Bumuga ng 30 puntos ang Gilas kontra sa siyam na puntos lamang ng kalaban sa ikatlong yugto mula sa apat na puntos lamang na kalamangan matapos ang ikalawang yugto.

Ang panalo ang una para kay Tim Cone bilang national coach sa pagsali ng Pilipinas sa Fiba Asia Cup 2025.

Binanderahan ni Justin Brownlee ang Gilas sa kanyang 16 puntos, bukod pa sa nahugot na pitong rebounds at katulad na bilang ng assist.

Nagsilbing mitsa sina Brownlee at Kai Sotto para lumayo ng husto ang Gilas sa ikatlong yugto.

Nag-ambag si Sotto ng 13 puntos, samantalang may 15 puntos naman si Kevin Quiambao.

TAGS: FIBA, Gilas Pilipinas, FIBA, Gilas Pilipinas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.