DOTr, DOH kikilos laban sa “colorum ambulances”
Makikipag-ugnayan ang Department of Transportation -Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT) sa Department of Health (DOH) at sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para resolbahin ang isyu sa “colorum ambulances.”
Ayon sa DOTr, ipapaliwanag sa DOH at TESDA ang mga maling paggamit ng mga ambulansiya maging ang pagmamarka sa mga sasakyan na “Ambulance” para makaiwas sa trapiko.
“This not only harms and endangers the public but also undermines the true purpose of ambulances,” pahayag ng DOTr.
Sa susunod na buwan ipapaliwanag ng mga ahensiya sa publiko ang mga paraan para malaman kung ang ambulansiya ay totoo o peke.
“Together, we can put a stop to this detrimental practice and ensure the safety and integrity of ambulance services for everyone,” dagdag pa ng ahensiya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.