PBBM sinabing may potensyal na mapalakas ang ugnayan ng Pilipinas at Hawaii

PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OFFICE PHOTO

Naniniwala si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na may potensyal na mapalakas pa ang ugnayang pangkalakalan ng Pilipinas at Hawaii.

Sinabi ito ni Marcos nang humarap sa kanya sa Malakanyang ang mga miyembro ng  Filipino Chamber of Commerce of Honolulu at Honolulu City Council Trade.

“I think there is a great deal of potential there (trade missions). There are so many similarities in terms of what are needed and what needs to be done in terms of the state of Hawaii and the Philippines, and in specific areas of the Philippines,” ani Marcos.

Binanggit niya na ginagawa ng kanyang administrasyon ang lahat para mapagtibay at mapaunlad ang ugnayan ng Pilipinas at Hawaii.

Pinamamadali pa ng gobyerno ang pamumuhunan sa Pilipinas.

 

Read more...