Robin umapila sa mga doktor para sa alternatibong paggamot sa cancer patients

SENATE PRIB PHOTO

Nanawagan si Senator Robinhood Padilla sa mga doktor na buksan ang isipan at maghanap ng mga alternatibong paggamot sa mga maysakit na kanser.

“Sana po magkaroon tayo ng mga alternative na paggamot sa treatment sa mga cancer patients, pain management, dahil sa ngayon talaga, hirap na hirap po ang ating mga kababayan pagdating sa medical treatment,” pakiusap ni Padilla sa mga doktor na dumalo sa Philippine College of Radiology Convention sa Pasay City.

Dagdag pa niya: “Kaya po sana makahanap tayo ng paraan para magkaroon naman po ng pag-asa ang kababayan na di kayang bumili. Napakamahal ng gamot para sa cancer. Ang gobyerno, alam po ang datos, alam po kung papaano makakagawa ng paraan para magkaroon ng alternative treatment. Kaya lang po siyempre kailangan natin ng tulong ng mga doktor,.”

Isinusulong ni Padilla ang legalisasyon ng “compassionate use” ng medical marijuana para sa mga maysakit na labis-labis ang nararamdamang sakit dahil sa kanilang karamdaman.

Diin niya lubhang nadedehado ang mga mahihirap na Filipino sa mga may pera para magpagamot at para sa mga gamot ng kanilang mga sakit.

 

Read more...