Namatay sa truck na nahulog sa bangin sa NegOr umakyat sa 15

By Jan Escosio February 22, 2024 - 01:12 PM

MABINAY POLICE PHOTO

Labing-lima na ang kumpirmadong nasawi na sakay ng truck na nahulog sa bangin sa Mabinay, Negros Oriental.

Nabatid na nasawi ala-6 kagabi ang isang Almar Egoogan, 26.

Kabilang si Egoogan sa mga sakay ng truck na minamaneho ng isang Antonio Toreno nang mahulog sa bangin sa Barangay Bulwang bago mag alas-2 ng hapon kahapon.

Diumano nawalan ng kontrol sa sasakyan si Toreno nang mawalan ng preno ang truck.

Patungo sa Bayawan City ang mga biktima para bumili ng mga hayop nang maganap ang aksidente.

Tumilapon ang ilang pasahero mula sa truck nang mahulog sa bangin. Lahat sila ay pawang residente ng bayan ng La Libertad.

 

 

TAGS: aksidente, Negros Oriental, aksidente, Negros Oriental

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.