Nasa kamay na ng Kamara ang bola para sa pagbibigay ng dagdag sahod sa mga minimum wage earners.
May mga panukala sa Kamara para sa P150 dagdag sa minimum wage.
Kamakailan lamang, lumusot na sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Senado ang panukalang taasan ng P100 ang arawang suweldo ng mga manggagawa mula sa orihinal na panukala na P150.
Sinabi ni Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo na kailangan na balansehin ang lahat ng interes sa pagbibigay ng legislated wage increase.
Kailangan aniya ikunsidera ang lagay pang-ekonomiya sa ibat-ibang bahagi ng bansa.
Maraming negosyante at ekonomista ang tutol sa umento dahil sa maaring maging negatibong epekto sa inflation at sa panghihikayat ng mga banyagang mamumuhunan.
MOST READ
LATEST STORIES