China magsasagawa ng military drills sa Paracel islands

By Kathleen Betina Aenlle July 04, 2016 - 04:17 AM

 

Google Maps

Magsasagawa ng mga military drills ang China sa paligid ng pinag-aagawang Paracel Islands sa South China Sea bago pa man ilabas ng arbitral court sa The Hague ang desisyon sa agawan ng teritoryo sa nasabing rehiyon.

Base sa inilabas na pahayag ng marine safety administration ng China, isasagawa nila ang drills mula July 5 hanggang 11, at saka ibinigay ang eksaktong coordinates kung saan ito gagawin.

Madalas nagsasagawa ang mga military exercises ang China sa South China Sea, kung saan kaagaw nila sa ilang bahagi nito ang mga bansang Vietnam, Malaysia, Brunei, Taiwan at ang Pilipinas.

Lalong tumitindi ang tensyon bago pa man dumating ang ruling ng arbitration court kaugnay sa kasong isinampa ng Pilipinas laban sa China dahil sa agawan ng teritoryo.

Nakasaad rin sa nasabing pahayag na walang ibang barko ang maaring dumaan sa bahaging iyon ng South China Sea sa kasagsagan ng kanilang drills sa loob ng ibinigay na mga petsa.

Kaagaw ng China sa Paracels islands ang Vietnam at Taiwan.

Una nang iginiit ng China na may karapatan silang gawin ang anumang gustuhin nila sa South China Sea dahil ito ay kanilang teritoryo noon pa man.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.