Tulfo bitin pa sa 16 taon kulong na hatol sa pumatay sa OFW sa Kuwait

Ikinatuwa ni Senador Raffy Tulfo ang iginawad na kaparusahan ng korte sa Kuwait sa menor-de-edad na pumatay  sa overseas Filipina worker (OWF) na  Jullebee Ranara.

Sumang-ayon ang Kuwait Appellate Court na guilty ang kanilang mamamayan sa brutal na pagpatay kay Ranara noong Enero 2023 at ito ay nasentensiyahan ng 16 taon na pagkakakulong.

Ngunit sinabi ni Tulfo na hindi pa tapos ang paghahabol sa katarungan para kay Ranara dahil dapat aniya ay obligahin ang pamilya ni Turki Ayed al-Azmi na magbayad ng mga danyos sa mga naulila ni Ranara.

Kasabay nito ang hiling ni Tulfo na panatilihin ang deployment ban ng OWFs sa Kuwait hanggang hindi nagbabayad ang pamilya ni al-Azmi.

Nanawagan din ito sa Department of Migrant Workers ( DMW) na  paigtingin pa ang monitoring at background checking sa lahat ng employers, lalo na sa Kuwait, sakaling na payagan na muli ang pagpapadala ng mga manggagawang Filipino sa Kuwait.

Kasabay nito, sinabi ni Tulfo na dapat ay papanagutin din ang  foreign recruitment agency, at hindi lamang ang Philippine recruitment agency, sakaling magkaroon na naman ng hindi magandang pangyayari sa ibang bansa na apektado ang OFW.

Read more...