Mga mambabatas, tikom ang bibig sa isyu ng death penalty

By Kathleen Betina Aenlle July 04, 2016 - 04:29 AM

 

death-penalty-0517Inaasahan ni Sen. Panfilo Lacson na magkakaroon ng matindi at mahabang diskusyon sa pagitan ng mga mambabatas at lahat ng mga sektor kaugnay sa pagbabalik ng parusang bitay sa bansa.

Ayon kay Lacson, maaring magsagawa ng public hearing upang marinig ang pananaw ng mga sektor na susuporta at kokontra sa nasabing panukala, pero ibang usapan pa rin ang pagtalakay nito sa Senado.

Nang tanungin si Lacson kung sa tingin niya ba ay makukuha niya ang sapat na boto para maaprubahan ang death penalty bill, sinabi niya na hindi inihahayag ng mga senador ang kanilang pananaw tungkol sa isyung ito.

Tahimik rin aniya ang mga senador sa usapin ng pagpapalit ng sistema ng pamahalaan na posibleng gawing federal.

Noong 2006, naghain ng magkahiwalay na panukala sina Lacson at Sen. Vicente Sotto III tungkol sa pagbuhay sa death penalty law na sasakop sa mga heinous crimes at ang paggamit ng lethal injection sa mga mahahatulan sa mga nasabing krimen.

Gayunman, ayon kay Lacson, hindi naman ito tuluyang ipinawalang bisa, bagkus ay “suspended” lamang at muli lamang nila itong ihahain.

Mababatid na isa sa mga isinusulong ng Duterte administration ay ang panunumbalik ng death penalty para sa mga mahahatulan dahil sa heinous crimes.

Si Lacson ay inaasahang maitalaga para mamuno sa committee on public order and dangerous drugs sa Senado na muling magbubukas sa July 25.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.