Ikalawang P165 million car isinuko sa Bureau of Customs
Nasa kustodiya na rin ngayon ng Bureau of Customs (BOC) ang isa pang Bugatti Chiron luxury sports car.
Ito ay matapos isuko ng may-ari sa Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) nang sadyain ang una sa bahay nito.
Sinabi ni Customs Deputy Comm. Michael Fermin natukoy na nila ang lokasyon ng P165 milyong halaga ng asul na Bugatti Chiron na may plakang NIM-450.
Sa kabila nito, mahaharap pa rin sa kasong paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act ang may-ari, isang Menguin Zhu, ng paniniwalang ipinuslit ang sasakyan papasok ng Pilipinas.
Unang isiniwalat ni Sen. Raffy Tulfo na bagamat walang dokumento mula sa kawanihan, naiparehistro ang dalawang Bugatti Chiron base sa mga dokumento mula sa Land Transportation Office.
Una na rin natunton ng mga ahente ng BOC ang unang kulay pulangBugatti Chiron sa Ayala Alabang sa Muntinlupa City at napa-ulat na nakarehistro naman ito sa isang Thu Thrang Nguyen.
Napag-alaman na inaalok ang dalawang sasakyan sa online market places.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.