Kaso vs Chinese sa cyanide fishing sa WPS pag-aaralan ng DOJ

FILE PHOTO

Sinabi ni Pangulong Marcos Jr., na magsasampa ng kaso laban sa China kapag may malakas na ebidensiya na magpapatunay sa cyanide fishing sa West Philippine Sea (WPS).

Suportado ito ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla at aniya kikilos sila para malaman ang puno’t dulo ng sinasabing pagsasagawa ng cyanide fishing ng mga mangingisdang Chinese sa Scarborough Shoal.

Diin pa ng kalihim na sa pamumuno ni Pangulong Marcos Jr., hindi kukunsintihin ng gobyerno ang mga gawain na nakakasira sa kapaligiran o nakakatapak sa karapatan ng mga mangingisdang Filipino.

Pagtitiyak ni Remulla na magiging aktibo ang kanyang tanggapan sa pangangalap ng mga ebidensiya at pagbuo ng malakas na kaso sa pakikipagtulungan ng marine scientist.

Hihingi din ng payo sa mga international legal experts para sa mga istratehiya sa paghahabol sa napinsalang bahagi ng WPS.

 

 

Read more...