Kinumpirma ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na walang permiso ang Grab na mag-operate ng motorcycle taxis.
Ginawa ni Chairman Teofilo Guadiz ang pagkumpirma base sa sulat ng isang Atty. Noel Valerio, ng Maderazo, Valerio and Partners hinggil sa status ng pagpasok ng Grab sa motorcycle taxi service.
At base dito, ayon kay Guadiz, hindi kasama ang Grab sa isinasagawang pag-aaral ukol sa operasyon ng motorcycle taxis sa bansa at ang tanging napabilang lamang ay ang Angkas, Joyride at Move It.
Dagdag pa ng opisyal, hiningi na nila ang paliwanag ng Grab ukol sa operasyon ng motorcycle taxis ng kompaniya sa Metro Manila at Cebu sa kabila ng kawalan ng permit.
Samantala, sinabi ni Atty. Ariel Inton ng Lawyers for Commuter Safety and Protection (LCSP) na sa pahayag ng LTFRB malinaw na maituturing na “colorum” ang biyahe ng motorcycle taxis ng Grab.
“Even the Philippine Competitive Commission and some of our esteemed Senators and members of Congress have spoken out against Grab who seeks to dominate the TNVS and MC Taxi business in the Philippines. It is with great gratitude that we thank Chairman Guadiz for having the fortitude to stand up against this foreign player with well documented history of abuses against the Filipino people and even its own drivers,” ani Inton.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.