Economic Cha-cha House version may hearing na agad bukas

By Jan Escosio February 20, 2024 - 09:51 PM

OFFICE OF THE SPEAKER PHOTO

Binuo ng mga kongresista ang Kamara bilang Committee of the Whole para sa deliberasyon sa inihain na Resolution of Both Houses No. 7.

Nang walang tumutol sa mosyon ni Iloilo 1st District Rep. Janette Garin sa sesyon, itinakda na nito ang unang pagdinig bukas sa ganap na ala-1 ng hapon.

Ang resolusyon ay kopya ng buo sa Resolution of Both Houses No. 6 ng Senado at ito ay natalakay na sa tatlong pagdinig ng Subcomittee on Constitutional Amendments na pinangungunahan ni Sen. Sonny Angara.

Sa resolusyon ng Kamara, may mga panukalang pag-amyenda sa  Articles XII, XIV at XVI ng 1987 Constitution para maalis ang “restrictive economic provisions.”

Naitalaga si House Speaker Martin Romualdez bilang committee chairman at senior vice chairman si Majority Leader Mannix Dalipe, samantalang vice chairpersons naman sina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., at Deputy Speaker David Jay-jay Suarez.

 

TAGS: economic Cha-cha, Kamara, economic Cha-cha, Kamara

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.