Labor leaders sinabing P750 ang dapat taas-sahod

By Jan Escosio February 20, 2024 - 06:25 AM

PANDESAL FORUM PHOTO

Sinuportahan ng mga namumuno sa ilang grupo ng mga manggagawa ang panukalang dagdagan ng P100 ang suweldo ng daily wage earners.

Kasabay nito, hiniling din nina Luke Espiritu, pangulo ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino; Jerome Adonis, secretary general ng Kilusang Mayo Uno at Sonny Africa, executive director ng IBON Foundation na magkaroon ng “living wage” sa halip na “minimum wage.”

Kinontra nila ang pahayag ng ilang negosyante na ang umento ay magkakaroon ng negatibong epekto sa inflation at sa ekonomiya ng Pilipinas sa pangkalahatan.

Gayunpaman, ayon sa tatlo, ang sapat na pagtaas ng sahod ay dapat P750 para maayos na makapamuhay ang pamilya ng isang manggagawa.

Anila kailangan na kumikita ang isang manggagawa ng P1,200 kada araw para sa maayos na pamumuhay.

Maari din anila na ikunsidera ang subsidiya ng gobyerno sa mga manggagawa sa micro, small and medium enterprises o MSMEs.

 

TAGS: Labor Groups, taas sahod, Labor Groups, taas sahod

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.