Pag-apruba sa “Eddie Garcia Bill” ikinalugod ni Lapid para sa entertainment workers
Labis na ikinatuwa ni Senator Lito Lapid ang pagkakalusot sa third and final reading sa Senado ng Eddie Garcia bill.
Sinabi ni Lapid na ang panukalang batas ang mangangalaga sa mga karapatan at kapakanan ng mga manggagawa sa “entertainment industry” sa bansa.
Paliwanag niya, malaking tulong ang Senate Bill No. 2505 sa mga artista hanggang sa mga maliliit na manggagawa sa industriya para sa kanilang maayos na trabaho at disenteng kita.
Sabi pa ni Lapid na kapag naging ganap na batas, magkakaroon din ang mga “showbiz workers” ng proteksyon laban sa pang-aabuso, panggigipit at delikadong kondisyon ng pagta-trabaho.
Kabilang ang senador, na nagsimula bilang stuntman sa pelikula bago nakilala bilang isa sa pinakamahusay na action star sa bansa, sa mga may-akda ng “Eddie Garcia Bill.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.