Subpoena para kay Pastor Apollo Quiboloy pirmado na ni Zubiri

By Jan Escosio February 19, 2024 - 12:32 PM

SENATE PRIB PHOTO

Ibinahagi ni Senator Risa Hontiveros na pinirmahan na ni Senate President Juan Miguel Zuburi ang subpoena para kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy.

Inanunsiyo ito ni Hontiveros sa pagpapatuloy ng pagdinig ng pinamumunuan niyang Committee on Women and Children ukol sa mga diumano’y pang-aabuso ni Quiboloy.

Hiniling ni Hontiveros na padalhan na ng subpoena si Quiboloy dahil sa pagtanggi nitong humarap sa pagdinig sa kabila ng dalawang ulit nang pagpapadala sa huli ng imbitasyon.

Sinabi pa ng senadora na dapat nang humarap si Quiboloy para personal na sagutin ang mga alegasyon sa kanya ng mga dating kasapi ng KOJC.

Ilan lamang sa reklamo kay Quiboloy ay pang-aabusong sekswal, human trafficking at pananakit.

Una nang hinamon ni Quiboloy si Hontiveros na sampahan na lamang siya ng mga kaso at haharapin niya ang mga ito sa korte.

TAGS: hearing, Pastor Apollo Quiboloy, Sen. Risa Hontivero, Senate, sex abuse cases, hearing, Pastor Apollo Quiboloy, Sen. Risa Hontivero, Senate, sex abuse cases

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.