Nasawi sa Masara landslide lumubo sa 98, LGU sinisisi sa trahedya
Nadagdagan pa at 98 na ang bilang ng kumpirmadong nasawi sa landslide sa Barangay Masara sa Maco, Davao de Oro.
Sinabi ni Leah Anora, ang namumuno sa Dead and Missing Cluster para sa trahedya, na 88 buong katawan ang narekober samantalang may 10 na kulang-kulang ang mga bahagi ng katawan.
May 79 naman na, sabi pa ni Anora, ang nakilala, samantalang walo pa ang nawawala.
Samantala, viral ngayon sa social media ang isang biyuda na nawalan ng kapatid na babae sa trahedya.
Sa video, sinisi ni Vee Gee Eim si Maco Mayor Alvera Veronica Rimando-Arancon sa pagkamatay ng kanyang kapatid na si Chona Garcia dahil pinayagan ng opisyal ang konstruksyon sa lugar.
Aniya itinuloy ang konstruksyon sa kabila ng mga pagtututol, kasama aniya sa mga maaring tumutol ang kanyang nasawing kapatid.
Dagdag pa ni Eim maging si Punong Barangay Douglas Dumalagan Jr., ay napilitan na ibalik ang eskuwelahan sa kabila ng pagtutol ng COMREL dahil babalik ang mga tao sa delikadong lugar.
“‘Yung nga pinapaalis ayaw umalis kasi nga andun na yung school. Siya ‘yung nagsucceed kasi hindi naman sya napalitan dahil wala naman election at nag three term siya. Politika ang rason,” pagpupunto ni Eim.
Matatandaan na gumuho ang tone-toneladang lupa noong gabi ng Pebrero 6.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.