Apat na matataas na posisyon sa pambansang-pulisya ang nagkaroon ng mga bagong director sa bagong balasahan.
Naitalaga si Aviation Security Group director, Brig. Gen. Jack Wanky bilang bagong director ng Police Regional Office (PRO) 6 kapalit ni Brig. Gen Sidney Villafor.
Nailipat si Villaflor bilang director ng Directorate for Human Resource and Doctrine Development (DHRDD), na iniwan ni Maj. Gen. Ronald Lee, na naitalagang bagong mamumuno sa Directorate for Operations (DO).
Si dating DO director, Maj. Gen. Leo Francisco ang bagong mamumuno sa Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM).
Ang pagreretiro ni PNP deputy chief for administration Lt. Gen. Rhodel Sermonia ang pinag-ugatan ng balasahan.
MOST READ
LATEST STORIES