Pulis sa Bohol nagpositibo sa iligal na droga

By Kathleen Betina Aenlle July 04, 2016 - 04:18 AM

 

Mahaharap sa kasong administratibo ang isang pulis ng Bohol Provincial Police Office (BPPO) matapos siyang mag-positibo sa paggamit ng iligal na droga.

Ayon kay BPPO’s Provincial Intelligence Branch deputy chief Senior Insp. Jojit Manangquil, nagpositibo sa droga ang kinolektang urine sample mula sa pulis para sa drug test noong isang linggo.

Hindi muna inilabas ng BPPO ang pangalan ng pulis dahil hinihintay pa ang confirmatory test na isinagawa ng Philippine National Police Regional Crime Laboratory sa Central Visayas.

Isa ang nasabing pulis sa 32 sa 42 pulis na sumailalim sa random drug test noong nakaraang linggo.

Hindi naman sumulpot ang ibang mga pulis dahil sila ay nasa operasyon, o kaya ay nasa mga court hearings, pero hinihingan pa rin sila ng paliwanag tungkol dito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.