Inulit ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang polisiya na nagbabawal sa mga donasyon na mga “used clothes” o “ukay-ukay.”
“Used clothing and textile, hindi po because before ng wala pa tayong mga policy, may pumapasok sa amin na mga wedding gown. Siguro nagki-clear na ng mga closet nila,” banggit ni DSWD Special Assistant to the Secretary for Disaster Response Management Group (DRMG) Leo Quintilla.
Aniya bukod sa cash ay tumatanggap naman na mga donasyon na pagkain at non-food items ang kagawaran ngunit hindi ang mga pinaglumaan na mga damit.
Sabi ni Quintilla, alinsunod na rin sa RA 4653, na may “no used clothing policy.”
Paalala na lamang din ng opisyal na sa mga magbibigay ng mga pagkain, kailangan na ikunsidera ang “expiry date” at ang mga ito ay dapat na tatagal pa ng hanggang anim na buwan dahil iniimbak nila ang mga ito.
“Because nagi-stockpiling tayo, kailangan more than six months yung kanyang expiry,” aniya.