Death toll sa Maco landslide lumubo pa sa 90

By Jan Escosio February 15, 2024 - 07:14 PM

DAVAO DE ORO PIO PHOTO

Sa patuloy na paghuhukay sa gumuhong tone-toneladang lupa, patuloy na nadadagdgan pa ang bilang ng mga nasawi sa trahedya sa Barangay Masara sa Maco, Davao de Oro.

Sa update, 90 na ang kumpirmadong nasawi sa trahedya at 14 sa mga ito ay pansamantalang inilibing sa Maco Public Cemetery habang hinihintay ang kanilang pagkakakilanlan.

Ayon kay Lea Añora, MDM cluster head, kasama sa mga nahukay ay mga bahagi ng katawan ng taon.

Pinayuhan niya ang mga kaanak ng mga nawawala pang biktima na regular na makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan para sa pagkilala sa mga nahuhukay na biktima.

Kahapon, ikinasa na ang “retrieval operations” sa paniniwalang wala ng mahuhukay na buhay na mga biktima.

May 37 pa ang hinahanap, samantalang 39 na ang nakilala at mayroon ng death certificates.

TAGS: Davao de Oro, death toll, landslide, Davao de Oro, death toll, landslide

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.