2 patay, 7 sugatan sa pagsabog sa Libya

 

Google Maps

Sumambulat ang isang car bomb sa lungsod ng Benghazi sa Libya, na ikinasawi ng dalawang pulis at ikinasugat naman ng pitong katao.

Ayon kay Benghazi Medical Center spokesman Khalil Gwaider, namatay ang dalawang traffic police habang nagbabantay sa isang mataong intersection mula sa kanilang nakaparadang sasakyan.

Matao ang lugar na pinangyarihan ng pagsabog lalo na’t malapit na ang Eid holiday sa Miyerkules na hudyat ng pagtatapos ng Ramadan.

Marami-rami din ang mga Islamic militant groups sa Libya kung saan nagkaroon ng magulo at madugong pagpapatalsik sa kanilang diktador na si Moammar Gadhafi.

Read more...