Pope Francis, ipinagdasal ang mga nasawi sa Bangladesh at Iraq

 

Inquirer file photo

Pinangunahan ni Pope Francis ang isang silent prayer para sa dose-dosenang taong nasawi sa mga pag-atake sa Dhaka, Banglaesh at sa Baghdad, Iraq.

Sa pagharap niya sa libu-libong mga tao sa St. Peter’s Square nitong Linggo, hinimok niya ang mga ito na magdasal upang mawala na ang galit at pagiging marahas sa puso ng mga nasa likod ng mga pag-atakeng ito.

Hindi bababa sa 20 ang nasawi sa pagsabog sa cafe sa Dhaka, habang nasa 91 naman ang nasawi sa double bombing sa Baghdad.

Read more...