Inatasan ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang lahat ng military camp commanders sa bansa na pangunahan ang pagtitipid sa tubig bunga ng umiiral na El Niño phenomenon.
Inilabas ni Teodoro Jr., ang kautusan sa ikalawang pagpupulong ng Task Force El Niño sa Office of Civil Defense (OCD) sa Camp Aguinaldo kamakailan.
Ayon kay Defense spokesman Arsenio Andolong, ipinagbilin sa pulong ni Teodoro ang suporta ng lahat sa water conservation policy ng gobyerno.
Dagdag pa ni Andolong, ipinag-utos ng kalihim ang pagsasa-ayos ng mga sirang linya ng tubig sa mga kampo ng mga sundalo.
Ang utos ay alinsunod sa Executive Order No 53 ni Pangulong Marcos Jr., kung saan nakapaloob ang pagtatalaga kay Teodoro bilang chairperson ng task force.