Teodoro pinagtitipid sa tubig ang mga sundalo sa AFP camps

By Jan Escosio February 15, 2024 - 02:34 PM

INQUIRER PHOTO

Inatasan ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang lahat ng military camp commanders sa bansa na pangunahan ang pagtitipid sa tubig bunga ng umiiral na  El Niño phenomenon.

Inilabas ni Teodoro Jr., ang kautusan sa ikalawang pagpupulong ng  Task Force El Niño sa Office of Civil Defense (OCD) sa Camp Aguinaldo kamakailan.

Ayon kay Defense spokesman Arsenio Andolong, ipinagbilin sa pulong ni Teodoro ang suporta ng lahat sa water conservation policy ng gobyerno.

Dagdag pa ni Andolong, ipinag-utos ng kalihim ang pagsasa-ayos ng mga sirang linya ng tubig sa mga kampo ng mga sundalo.

Ang utos ay alinsunod sa Executive Order No 53 ni Pangulong Marcos Jr., kung saan nakapaloob ang pagtatalaga kay Teodoro bilang chairperson ng task force.

 

TAGS: El Niño, Gilbert Teodoro, military camps, task force, El Niño, Gilbert Teodoro, military camps, task force

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.