Hontiveros ibinunyag tangkang pagsabotahe sa pagdinig sa mga reklamo vs Quiboloy
Ibinunyag ni Deputy Minority Leader Risa Hontiveros ang pagtatangka na bulabugin ang pag-iimbestiga ng pinamumunuan niyang komite sa mga reklamo ng pang-aabuso labay kay Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ.
Sa Kapihan sa Senado, ibinahagi ni Hontiveros na may mga nagpanggap na tumiwalag na miyembro ng sekta ni Quiboloy at nagpahayag ng interes na tumestigo din laban sa “The Appointed Son of God.”
Ngunit, dagdag pa ng senadora, nadiskubre nila na ang pakay ng mga ito ay guluhin ang kanilang pagdinig at palabasin na gawa-gawa lamang ang lahat na mga alegasyon.
Bukod dito, sabi pa ni Hontiveros, tumanggap ng mga masasakit at mapanirang salita sa social media ang dalawa sa humarap na testigo bukod pa sa kinilala ang mga ito ng mga pinaniniwalaang tagasuporta ni Quiboloy.
Pagbabahagi pa ng namumuno sa Senate Committee on Women may mga ihaharap silang mga bagong testigo sa susunod na pagdinig sa darating na Lunes.
Kaugnay naman sa subpoena ng kanyang komite kay Quiboloy, ayon kay Hontiveros ay kahilingan na sila ukol dito at sumulat na rin siya kay Senate President Juan Miguel Zubiri.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.