Solido ang mga senador sa kanilang pagsuporta kay Senate Majority Leader Joel Villanueva.
Kaugnay ito sa pag-atake at alegasyon ng ilang kongresista kay Villanueva sa gitna ng iringan sa pagitan ng mga mambabatas ng dalawang kapulungan ng Kongreso dahil sa people’s iniative. Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri umaasa na lamang silang mga senador na mas magiging maingat ang mga kongresista sa kanilang mga alegasyon. Sinabi pa ni Zubiri na paglabag din ito sa “inter-parliamentary courtesy” na sinusunod ng Senado at Kamara. Sinabi naman ni Sen. Pia Cayetano na kilalang “vocal” si Villanueva sa mga isyu at naglalatag ng mga ebidensiya kayat ang dapat na lamang gawin ay sagutin kung sinoman ang mapapatamaan. Sa bahagi naman ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, pinayuhan niya ang mga kongresista na buweltahan si Villanueva sa mga isyu at hindi sa personal na pag-atake. Pinuri naman ni Sen. Sonny Angara si Villanueva sa pangunguna sa pagtatanong at paghingi ng pagliinaw sa mga nadiskubreng kuwestiyonableng hakbangin na bumabalot sa nabunyag na PI.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.