Patay sa Baghdad double bombing, umabot na sa 125
Pumalo na sa 125 ang bilang ng mga nasawi habang aabot naman sa 200 ang nasugatan sa pagsabog ng isang suicide truck bomb sa Baghdad, Iraq.
Hindi naman nagtagal matapos ang pagsabog, agad na inamin ng Islamic State group na sila ang nasa likod ng pag-atake.
Pinuntirya sa pag-atake ang dalawang matataong lugar sa Baghdad dahil simula na ng pamimili ng mga tao para sa Eid holiday na hudyat ng pagtatapos ng Ramadan.
Ito na ang pinakamadugong pag-atake sa Baghdad sa loob ng ilang buwan.
Sumabog ang bomba pasado hatinggabi sa Iraq sa central Karada district. Kabilang sa mga nasawi ay hindi bababa sa 15 mga bata, 10 kababaihan at anim na pulis.
Nawawala pa rin ang hindi bababa sa 12 katao na pinangangambahang nasawi na rin sa pag-atake.
Ang lugar ng Karada ay kilala sa hilera ng mga tindahan ng mga damit at alahas, pati na ng mga kainan kaya marami ang naroon para mamili at maghanda para sa Eid holiday sa Miyerkules.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.