45 sugatan sa Ash Wednesday tragedy sa Bulacan church

By Jan Escosio February 14, 2024 - 11:01 AM

CITY PIO PHOTO

May 45 nagsisimba para sa paggunita ng Miercules de Ceniza o Ash Wednesday ang nasugatan nang bumagsak ang bahagi ng ikalawang palapag ng Parokya de San Pedro Apostol sa San Jose del Monte City sa Bulacan pasado ala-7 ngayon umaga.

Sa impormasyon mula sa City Public Information Office, may mga pagtili at pagsigaw bago bumagsak ang bahagi ng ikalawang palapag.

Ang mga sugatan ay isinugod sa Lungsod ng San Jose del Monte, Tala Hospital,  Brigino General Hospital,  Skyline Hospital,  Labpro Diagnostic Center at Grace General Hospital.

Tiniyak naman ni Mayor Arthur Robes na sasagutin ng pamahalaang-lungsod ang pagpapagamot sa mga sugatan.

Sa ngayon, hindi na muna gagamitin ang ikalawang palapag ng simbahan bagamat magpapatuloy ang mga aktibidades, kasama na ang pagselebra ng Banal na Misa.

Inaalam na rin ang sanhi ng aksidente.

TAGS: aksidente, Ash wednesday, San Jose Del Monte City, simbahan, aksidente, Ash wednesday, San Jose Del Monte City, simbahan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.